Ayon kay SGMA, nakausap niya ang House Secretary-General at sinabihan siya na nadala na sa kanyang tanggapan ang reklamo.
Dadalhin lamang anya sa kanya sa Pampanga ang transmittal letter para mapirmahan at mai-refer na sa Rules Committee ng Kamara.
Sinabi ni SGMA na sa Martes ay kailangang mabasa na ito ng Rules Committee upang maisama sa agenda ng plenaryo.
Paliwanag ng house speaker, kailangang i-expedite ang impeachment complaint upang hindi ito naka apekto sa legislative agenda ng Kamara.
Kahapon, sinampahan ng reklamong impeachment ng Magnificent seven sa Kamara sina SC Associate Justices Teresita De Castro, Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Francis Jardeleza, Noel Tijam, Andres Reyes Jr at Alexander Gesmundo.
Sa ilalim ng Rules ng Kamara mayroong sampung araw ang House Speaker upang ipasa ang reklamo sa Rules Committee habang ang Rules Committee naman ay may tatlong araw upang maisama ito sa agenda ng plenaryo.
Kapag naisama ito sa agenda ng plenaryo, ire-refer ito sa House Justice Committee upang dinggin at mayroon naman silang 60-session days upang resolbahin ang impeachment complaint.