LOOK: Mga kanseladong biyahe ng eroplano ngayong araw, Aug. 24

Kanselado ang ilang flights ngayong Biyernes (August 24), dahil sa sama ng panahon.

Batay sa advisory ng Manila International Airport Authority o MIAA, kabilang sa mga nakansela ay ang CebGo flights DG 6009 / 6010 Manila – Basco, Batanes – Manila.

Pinapayuhan ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa airline company para sa rebooking o refund.

Batay sa PAGASA, bahagyang humina ang tropical depression Luis habang mabagal itong kumikilos patungo sa kanlurang baybayin ng Taiwan.

Gayunman, magdadala ito ng pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa.

Read more...