4 na pulis sugatan sa pananambang NPA sa Masbate

Apat na pulis ang nasugatan sa pananambang ng mga hinihinalang tauhan ng New People’s Army (NPA) sa Masbate City.

Kabilang sa mga nasugatan si Senior Police Officer 2 Ariel Espiel, at sina Leo Michael Azares, Melman Rapsing at Rosalito Apoya II na pawang may ranggong Police Officer 2.

Ayon kay Chief Inspector Maria Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol police, pawang tauhan ng Masbate City police ang mga nasugatang pulis.

Nakatalaga ang mga pulis sa City Police Assistance Center (CPAC) sa Barangay Bayombon nang dumating ang grupo ng mga rebelde at saka sila pinagbabaril, alas 7:45 ng umaga ng Biyernes (Aug. 24)
ng attacked them around 7:45 a.m.

Nagsasagawa na ng follow up operation ang mga otoridad para maaresto ang mga rebelde.

Read more...