Preliminary investigation sa Mamasapano encounter, sa Nobyembre na

 INQUIRER PHOTO/RAFFY LERMA
INQUIRER PHOTO/RAFFY LERMA

Pormal nang nagtakda ang Department of Justice ng pagdinig sa kontrobersiyal na Mamasapano encounter na ikinamatay ng apatnapu’t apat ng miyembro ng PNP Special Action Force o SAF at ilang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front at mga sibilyan.

Kaugnay nito ay ipatatawag na ng Department of Justice ang mga respondents at kampo ng mga complainants sa kontrobersyal na Mamasapano encounter.

Ito ay kasunod ng itinakdang preliminary investigation ng DOJ sa nasabing insidente.

Sa subpoena na may petsang ika-20 ng Oktubre na pirmado ni Senior Assistant State Prosecutor Rosanne Balauag ang pagdinig ay itinakda sa November 11 at 27 taong kasalukuyan.

Ang kopya ng subpoena para sa mga miyembro ng MILF na respondent sa insidente ay idinaan sa MILF peace panel habang ang subpoena para sa mga respondents na myembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter at private armed groups ay idinaan sa Mayor’s office ng Mamasapano town.

Matatandaan na sa fact-finding investigation na isinagawa ng special investigating team ng NBI at National Prosecution Service ay inirekumenda nilang sampahan ng reklamong direct assault with murder at theft ang halos ay siyamnapung katao na umano’y sangkot sa pagkamatay ng mga miyembro ng PNP-SAF sa Brgy Tukanalipao Mamasapano noong January 25, 2015.

Read more...