Taiwanese national arestado sa ilegal na droga sa Maynila

MPD Photo

BREAKING: Arestado ang isang Taiwanese national sa isinagawang raid sa Binondo, Maynila ngayong Biyernes (August 24).

Batay sa inisyal na impormasyon mula sa Manila Police District o MPD, nasabat mula sa Taiwanese ang nasa dalawampung kilo ng hinihinalang shabu.

Iprinisenta ni National Capital Region Police Office o NCRPO Chief Guillermo Eleazar sa media ang suspek na kinilalang si Chong Chin Hao.

Nakuha mula sa suspek ang pitong malalaking pakete ng shabu na tinatayang aabot sa P40 million ang halaga.

Nakuhanan din ang suspek ng 20,000 rounds ng live bullets para sa 9-mm caliber pistol at 388 sealed packs ng kemikal na hinihinalang ginagamit sa ilegal na droga.

Read more...