Ilang embahada sa Pilipinas sarado sa Lunes, Aug. 27

Sarado ang ilang embahada sa Pilipinas sa darating na Lunes, August 27, 2018 dahil sa selebrasyon ng National Heroes Day.

Sa consular advisory ng Embahada ng Israel, wala itong pasok sa Lunes, kaya pinapayuhan ang publiko na may transaksyon na magtungo na lamang sa ibang araw.

Ayon naman sa U.S. Embassy, ang kanilang embahada at affiliated offices ay sarado rin sa Lunes at magbabalik sa normal na operasyon sa Martes, August 28, 2018.

Ang National Heroes Day ay isang regular holiday sa buong bansa.

Ang okasyon ay bilang paggunita sa mga kalalakihan at kababaihan na isinakripisyo ang kanilang buhay para sa kalayaan ng Pilipinas.

Read more...