Kapitan ng barangay sugatan sa pamamaril sa Cagayan

Sugatan ang isang kapitan ng barangay sa bayan ng Enrile sa Cagayan makaraang barilin habang nagpapatrulya kasama ang mga barangay tanod.

Binaril ang kapitan ng Barangay Liwan Norte na si Ricardo Magbitang, 72 anyos habang nag-iikot sa mga kalye na sakop ng kaniyang barangay.

Binaril ng suspek si Magbitang gamit ang kalibre 45 baril.

Naisugod agad sa ospital ang kapitan at nalapatan ng lunas.

Ayon kay Senior Supt. Warren Tolito, Cagayan provincial police director, agad namang nadakip ng mga otoridad ang suspek na si Nemerick Arce ng Pinukpuk, Kalinga.

Patuloy ang imbestigasyon kay Arce partikular sa motibo ng pananambang nito kay Magbitang.

Read more...