Heart Evangelista endorser na ng sikat na designer bag sa Paris

IG Photo

Masayang ibinalita ni Heart Evangelista na bahagi na siya ng pamilya ng isang sikat na designer bag sa Paris.

Sa kaniyang Instagram account nag-post si Heart ng kaniyang larawan bitbit ang handbag at makikita sa kaniyang background ang Eiffel Tower.

Sa caption, sinabi ni Heart na masaya siyang ihayag na siya ay opisyal nang kabahagi ng Sequoia Paris family.

Ang nasabing kumpanya ay tanyag sa mga leather bags, handbags, purse at iba pang leather goods.

Ayon kay Heart matagal na siyang fan ng leather handbags ng naturang kumpanya.

Aniya, isang karangalan para sa kaniya na maging kabahagi ng isang luxury French label.

Read more...