Bahay ng mag-asawang nang-bully ng enforcers sinalakay ng NCRPO

PHOTO: NCRPO

Sinalakay ng mga otoridad ang bahay nng negosyante si Arnold Padilla sa Barangay Magallanes sa Makati City.

Si Padilla at live in partner niyang si Glocel Razon ay naging laman ng balita kamakailan matapos makuhanan ng CCTV ang pag-atake ng kanilang bodyguards sa mga traffic enforcer na sumita sa kanila dahil sa traffic violation.

Bitbit ng mga otoridad sa pangunguna ni NCRPO Dir. Gen. Guillermo Eleazar ang search warrant para sa illegal possession of firearms nang salakayin ang bahay ni Padilla.

Ito ay dahil nag-iingat umano ng mga baril at pampasabog ang negosyante sa kaniyang bahay.

Sa inisyal na ulat mula sa NCRPO, mayroon nang nakuhang caliber 45 na baril, shotgun at dalawang granada mula sa bahay ni Padilla.

Sa nag-viral na video na kuha ng CCTV, ang mag-asawa ay sakay nang Mercedez Benz nang parahin ng mga traffic enforcer.

Kitang-kita sa CCTV na sinisigawan at dinuduro ng mag-asawa ang mga enforcer at ang tatlo nilang bodyguards ay naktiang sinaktan din ang mga traffic enforcer.

Read more...