Ayon kina Albay Cong. Edcel Lagman, Magdalo Rep. Gary Alejano, Ifugao Cong. Teddy Baguilat hindi maaring upuan ang impeachment complaint dahil constitutional mandate ng kamara ang aksyunan at idaan sa tamang proseso ang impeachment complaint.
Sa ilalim ng rules ng kamara ang naihaing impeachment complaint ay kailangang ipasa ng secretary general sa Office of the Speaker.
Ang speaker naman ay may sampung araw para ipasa ito sa rules committee habang ang rules committee ay may tatlong araw para isama ito sa agenda ng plenaryo.
Ang plenaryo naman ang magre-refer nito sa justice committee at ang komite ay may animnapung session days para dinggin at resolbahin ang reklamong impeachment.
Sa ilalim ng rules ng kamara ang naihaing impeachment complaint ay kailangang ipasa ng secretary general sa Office of the Speaker.