Bilang ng mga patay dahil sa forest fire at haze sa Indonesia umakyat na sa 19

first peoples
Firstpeoples.org

Umakyat na sa labingsiyam na katao ang patay kaugnay sa nagpapatuloy na forest fire sa bansang Indonesia.

Kinumpirma ni Social Minister Khofifah Indar Parawansar ang bilang nga mga casualties na ayon sa kanya ay inaasahan pa nilang tataas dahil sa dami ng mga na-ospital hindi lamang dahil sa sunog kundi sa matinding usok o haze na bumabalot sa mga lugar ng Sumatra at Kalimantan.

Tatlong malalaking barko ng pamahalaan ng Indonesia ang nagpapatuloy sa kanilang misyon na hakutin ang mga matatanda at mga bata paalis ng Kalimantan region dahil sa haze.

Naghahanda na rin si Indonesian President Joko Widodo na umikot sa mga nasalantang lugar makaraan niyang putulin ang kanyang U.S trip kung saan ay nakausap niya sai U.S President Barrack Obama.

Bukod sa Indonesia, apektado na rin ng forest fire na nagsimula pa noong buwan ng Hulyo ang mga kalapit bansa tulad ng Pilipinas dahil sa haze.

Mismong ang world Health Organization ang nagpa-alala na masama sa kalusugan ang matagal na exposure sa haze.

Dito sa Pilipinas ay kamakailan lang ay may naitala nang dalawang patay dahil sa asthma attack dulot ng usok mula sa Indonesia.

Read more...