Kinapos ang performance ng pambato ng Pilipinas para sa men’s floor exercise sa gymnastics competition ng 2018 Asian Games.
Dahil dito ay nabigo si Carlos Yulo na makapag-uwi ng medalya para sa bansa, bagaman maganda ang kanyang naging performance sa qualifying round.
Natapos ang men’s floor exercise for gymnastics competition nang nasa ika-pitong pwesto lamang si Yulo.
Nakapagtala lamang ng 13.5 points si Yulo, 0.075 point na mas mataas kay Kakeru Tanigawa ng Japan na nasa last place.
Si Kim Han-sol ng Korea ang nakapag-uwi ng gold medal matapos niyang makapagtala ng 14.675 points. Sinundan naman siya ni Tang Chia-Hung mula Chinese Taipei na mayroong 14.425 points.
Ikatlong pwesto at bronze medal naman ang inuwi ni Lin Chaopan ng China na mayroong 14.225 points.