Nagkaroon ng mini-reunion ang cast ng Harry Potter sa kasal ng isa pang miyembro nito na si Afshan Azad.
Si Afshan ang gumanap bilang si Padma Patil sa Harry Potter and the Goblet of Fire.
Dumalo sa kanyang kasal sina Bonnie Wright na gumanap bilang si Ginny Weasley, at Katie Leung na gumanap naman bilang si Cho Chang.
Kapwa nagbahagi ng kanilang well-wishes ang dalawang aktres sa kanilang kaibigan para sa kanyang kasal sa pamamagitan ng kani-kaniyang Instagram posts.
Ikinasal si Afshan kay Nabil Kazi sa isang Indian ceremony na ginanap sa Birmingham sa England.
Makikita sa motif ng pagdiriwang na bagaman pinanatili ang Indian roots ng aktres at kanyang asawa, ay nananatili naman ang kanyang pagiging miyembro ng cast ng Harry Potter.
Ito ay matapos gamiting ang lighting bolt na simbolo ng Harry Potter sa font ng table setting, at pagkakaroon ng Platform 9 3/4 na harang sa pinto.
Bagaman pitong taon na ang nakalipas sa pagtatapos ng Harry Potter movie franchise ay nananatiling close pa rin sa isa’t isa ang mga cast ng pelikula.