Niyanig ng isang magnitude 3.1 na lindol ang bayan ng Baganga sa Davao Oriental kaninang madaling araw.
Batay sa inilabas na abiso ng PHIVOLCS, naganap ang lindol kaninang alas-3 ng madaling araw sa 80 kilometro hilagang-silangan ng nasabing bayan.
May lalim ang lindol na anim na kilometro at tectonic ang pinagmulan nito.
Wala namang naitalang anumang aftershocks o pagkasira ng mga ari-arian dahil sa pagyanig.
MOST READ
LATEST STORIES