Concom makikipagpulong sa economic managers ng gobyerno sa susunod na linggo

Inanunsyo ni dating Supreme Court (SC) Chief Justice Reynato Puno na makikipagpulong ang mga miyembro ng Consultative Committee (ConCom) sa economic managers sa susunod na linggo.

Ito ay upang pag-usapan ang fiscal provisions ng draft federal charter.

Ang pulong ay isasagawa bunsod ng pangamba nina Finance Secretary Carlos Dominguez III at Socio-Economic Planning Secretary Ernesto Pernia na posibleng malagay sa alanganin ang ekonomiya sa isinusulong na federalismo.

Sinabi ni Puno na sa kabila ng mga pagkakaiba-iba sa paniniwala ay pwede itong maplantsa basta’t bubuo ng isang ‘flexible’ fiscal formula na maaaring tingnan kada tatlo o apat na taon ng Federal Intergovernmental Commission.

Ayon kay ConCom Spokesman Conrado Generoso ang ‘flexible’ fiscal formula ay hindi pa kasama sa draft federal Charter ngunit maaaring idagdag sakaling aprubahan ng economic managers.

Read more...