Niyanig ang magnitude 3.3 na lindol sa Camarines Sur, Huwebes ng gabi.
Batay sa inilabas na impormasyon ng Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 16 kilometers North ng bayan ng Caramoan dakong 8:32 ng gabi.
May lalim ang lindol na 13 kilometers at tectonic ang pinagmulan.
Gayunman, walang napaulat na nasirang ari-arian.
Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
MOST READ
LATEST STORIES