Walang epekto sa negosasyon ng Pilipinas at China para sa posibleng joint exploration ang pahayag ni Pangulong Duterte ukol sa paglalagay ng Beijing ng nuclear weapons sa South China Sea.
Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, pinag-uusapan ang joint exploration at ang babala naman ng pangulo ay laban sa unilateral exploration.
Una nang sinabi ng pangulo na ilalagay niya si Interior Secretary Eduardo Año sa pagkakaroon ng joint exploration sa West Philippine Sea.
Dati na rin nitong sinabihan ang China na maghinay sa babala sa mga eroplano at barko na daraan sa South China Sea.
MOST READ
LATEST STORIES