Pacquiao, kakantiyawan ng bonus para kay Hidilyn Diaz

AFP photo

Hihiritan ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III si Senador Manny Pacquiao na dagdagan ang matatanggap na cash rewards ni Filipina weightlifter Hidilyn Diaz bunsod nang pagkakasungkit nito ng gintong medalya sa isinasagawang 2018 Asian Games sa Indonesia.

Dagdag pa ni Sotto, maari rin nilang tulungan si Diaz na mapalaki nito ang kanyang weightlifting training facility sa Zamboanga na kanyang naitayo mula sa cash incentive na kanyang nakuha ng makakuha ito ng silver medal sa huling Olympics noong 2016.

Paglilinaw agad ng senador na ang anumang ibibigay nila kay Diaz ay kanilang huhugutin ni Pacquiao sa kanilang mga sariling bulsa.

Kasabay nito, hinihikayat ni Sotto ang mga ahensiya na may kinalaman sa sports na palakasin sa bansa ang sporting events kung saan maaring mamayani ang lahing Filipino tulad ng Weightlifting at Soccer.

Read more...