Comelec nilinaw na wala silang idinedeklarang mga nuisance candidates para sa 2016 polls

comelec bldg
Inquirer file photo

Nilinaw ng Commission on Elections na wala pang naidedeklarang “nuisance candidates”, mula sa mahigit isang daang aspirante sa pagka-pangulo na naghain ng Certificate of Candidacy o COC para sa 2016 polls.

Sa pagdinig ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms, sinabi ni Commissioner Arthur Lim na namahagi na ang Law Department ng Comelec ng “notices” sa lahat ng mga Presidential aspirants na nag-aatas sa mga ito na maipaliwanag kung bakit hindi sila dapat ideklarang nuisance candidates o mga pang-gulo sa eleksyon.

Magugunitang inirekomenda ng Law Department ang mga pangalan nina Vice-President jejomar Binay, Sen. Grace Poe, dating Sec. Mar Roxas, Sen. Mirriam Defensor Santiago at Cong. Roy Senares bilang mga opisyal na kandidato sa pagka-Pangulo.

Kinumpirma ni Lim na sa susunod na linggo ay raratsada na ang Comelec sa mga hearing bilang pagsunod sa kanilang “strict timeline” at upang huwag maapektuhan ang kanilang preparasyon sa halalan.

Samantala, sinabi ng opisyal na tinatalakay na rin ng Comelec ang nasa tatlong disqualification cases laban kay Senadora Grace Poe na tatakbong Pangulo sa eleksyon.

Aniya, nai-raffle na ang mga kaso sa mga division ng Comelec. Tiniyak din ng Commissioner na gagawa umano ng appropriate actions ang Comelec sa mga kaso laban kay Poe batay sa mga pagdinig at kunsiderasyon sa mga ebidensyang ipi-presinta sa komisyon.

Read more...