Imee Marcos, Bam Aquino posibleng magsama sa line-up ng NPC

Inquirer file photo

Sa pambihirang pagkakataon, posibleng magsama ang dalawang miyembro ng mga angkan ng mga pulitiko na ipinapalagay na mortal na magkatunggali.

Mangyayari iyan sa senatorial line-up ng Nationalist People’s Coalition (NPC) kung saan maaring kapwa makasama sina Senador Bam Aquino at Ilocos Norte Governor Imee Marcos.

Sinabi ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III kung may magsusulong sa pagsama sa dalawa sa kanilang listahan at sasang-ayon ang mayorya sa kanilang mga kapartido ay posibleng magsama ang dalawa.

Agad din nilinaw ni Sotto na ang masasama sa listahan ay hindi nila opisyal na mga kandidato kundi kanilang susuportahan at i-eendorso lang.

Ilan pa sa mga nabanggit nito na maari nilang suportahan ay ang iba pang re-electionist senators na sina Cynthia Villar, Grace Poe, JV Ejercito, Nancy Binay, Sonny Angara at Aquilino “Koko” Pimentel III.

Kasama rin sa maaring maikunsidera ng NPC ang mga dating senador na sina Pia Cayetano, Jinggoy Estrada at Lito Lapid, kasama din sina dating PNP chief Ronald “Bato” Dela Rosa, at SAP Christopher “Bong” Go.

Read more...