Nababahala ang Palasyo ng Malakanyang sa ulat ng Pentagon sa Amerika na maaring naglalagay na ng nuclear weapon ang China sa mga islang pinag-aagawan sa South China Sea.
Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, malinaw na nakasaad sa konstitusyon ng Pilipinas na nuclear-free zone ang bansa.
Bukod dito, mayroon din aniyang ASEAN treaty na nagdedeklarang nuclear-free zone ang mga bansang kasapi sa ASEAN.
Sinabi pa ni Roque na labis na nababahala ang Pilipinas sa pagpasok ng anumang foreign power sa bansa maging China, Amerika o Russia man ito.
Sinabi pa ni Roque na kung may kakayahan lamang ang Pilipinas, magsasagawa ito ng sariling berepikasyon kung may inilagay nang nuclear weapon ang China sa South China Sea.
“We’re concerned about the entry of any and all nuclear weapons into the Philippine territory because our Constitution provides that we are nuclear free zone. There’s also an ASEAN treaty declaring the whole ASEAN as a nuclear free zone and we are concerned about the possibility that any foreign power – be it American, Russian, Chinese – may bring nuclear war heads into our territory and into ASEAN which is declared as a nuclear free zone,” pahayag ni Roque.