6 na drug suspects arestado sa Quezon

Inquirer file photo

Arestado ang anim na drug suspects sa magkakahiwalay na buy-bust operations na isinagawa sa Lucena City at sa iba pang bayan sa Quezon.

Ayon kay Supt. Romulo Albacea, Lucena City police chief, naaresto nila ang suspek na si Jeric Desembrana makaraang magbenta ng shabu sa pulis na nagpanggap na buyer sa Barangay Dalahican, alas 5:40 ng umaga ng Huwebes.

Si Desembrana ay nakuhanan ng 16 na sachet ng hinihinalang shabu na ang halaga ay aabot sa P7650.

Sa hiwalay na operasyon, sinabi ni Senior Supt. Osmundo de Gusman, Quezon police provincial director na mayroong limang drug suspect na nadakip sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa Sariaya at Candelaria.

Sa Candelaria, naaresto si Bernardino Cambay sa Barangay Pahinga Norte. Sa nasabing ring barangay, nadakip ang isa pang suspek na si Jeffrey Escalona.

Sa bayan naman ng Sariaya, naaresto ng mga otoridad ang tatlong suspek na sina Abraham Flor, Michael Bedonia at Jojit Dimailig.

Ang limang suspek ay nakuhanan din ng mga ilegal na droga.

Read more...