Pederalismo nagpa-power nap lang ayon sa Malakanyang

Kuha ni Erwin Aguilon

Hindi pa patay ang Charter Change.

Ito ang binigyang diin ng Malakanyang matapos ihayag ng ilang kongresista na patay na ang Cha Cha na naglalayong baguhin ang kasalukuyang porma ng gobyerno na unilateral patungo sa Pederalismo.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, nagpa-power nap lamang ngayon ang Pederalismo at kapag nagising muli ay tiyak na mas malakas at energized na.

Una rito, sinabi ni Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na wala ng sapat na oras para isulong ang Pederalismo sa ilalim ng kanyang termino.

Kasabay nito, sinabi ni Andanar na aarangkada na susunod na linggo ang information drive sa Pederalismo.

Ayon kay Andanar, sa August 31 target isagawa ang kick off ng information drive sa pamamagitan ng isang forum na gagawin sa Malakanyang.

Tungkulin na aniya ng Department of Interior and Local Government at ng binuong inter agency ang paglikha ng mensahe o content sa Pederalismo.

Read more...