Bagong Anti-Terrorism Fast Boat pinasinayaan ng Coast Guard

Pinasinayaan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Palawan ang bago nitong Anti-Terrorism Fast Boat.

Pinangunahan ni Commodore Allen Toribio, Commander of the Coast Guard District (CGD) Palawan ang pagpapasinaya sa bagong Rigid Hull Inflatable Boat (RHIB).

Ang nasabing fast boat ay donasyon ng Japan sa Pilipinas para makatulong sa kampanya laban sa terorismo.

Ang Anti-Terrorism Fast Boat ay mayroong Machine Gun na mamanduhan ng highly trained na tauhan ng PCG.

Read more...