Mula Huwebes ng gabi ay inaasahang mananalasa sa Hawaii ang nasabing hurricane.
Ayon sa DFA, sa ngayon ay taglay nito ang lakas ng hangin na nasa pagitan ng 74 hanggang 100 miles per hour.
Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng DFA sa Filipino Community doon sa pamamagitan ng Philippine Consulate General sa Honolulu.
Ayon kay Consul General Joselito A. Jimeno nakataas na ang hurricane warning sa Big Island (Hawaii Island) at sa Maui, habang nakataas naman ang hurricane watch sa Oahu, kung saan naroroon ang Honolulu, at maging sa Kauai Island.
Nag-isyu na rin ng emergency proclamation si Governor David Ige sa buong Hawaii bago pa man ang pagtama ng bagyo.
Sa abiso ng konsulada sa mga Pinoy doon, pinayuhan silang maghanda ng emergency kits na tatagal hanggang labing-apat na araw.