Hinikayat ni Anakpawis Rep. Ariel Casilao ang kamara na magsagawa ng imbestigasyon kaugnay sa sinasabing paglalagay ng formalin sa mga imported na galunggong at iba pang agri products.
Ayon kay Casilao, dapat pag-aralan ng kongreso kung may magagawang batas laban sa nasabing uri ng practice na tiyak naglalagay sa peligro sa mga pinoy.
Bukod dito, nais din ni Casilao na tukuyin ng kamara kung paano nare-regulate ng gobyerno ang pangingisda dahil maaring ang kahinaan ng pagpapatupad ng regulasyon ang dahilan ng pagkaunti ng huli ng mga mangingisda.
Sa datos anya ng Philippine Statistics Authority, umabot ng 4.36 million metric tons ang fisheries production na mas mababa sa 4.65 million metric tons noong 2015 at 4.69 million metric tons noong 2014.
Sa unang bahagi ng 2017, ang fisheries output ay bumaba pa sa 2.13 million metric tons kumpara noong kaparehong panahon ng 2016.