2 arestado sa buy-bust sa Navotas

Arestado ang dalawang katao katao matapos magpositibo sa isinagawa buy-bust operation ng Northern Police District sa Market 3 Barangay NBBN Navotas City.

Kinilala ang mga nahuli na sina Ryan Amistad alyas Ryan, 32-anyos; at Jerwin Marabarbas, 27-anyos kapwa residente ng Malabon.

Ayon sa spot report ng pulisya, nagkasa ng illegal drugs buy-bust operation ang NPD at Navotas Police laban kay Amistad na nasa drug watchlist ng mga otoridad.

Nakuha sa mga suspek ang ilang plastic sachet ng hinihinalang shabu, buy-bust money at drug paraphernalia.

Ang mga suspek ay dinala sa tanggapan ng navotas PNP para sa kaukulang pagdodokumento bago sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165.

Read more...