Accountability sa aksidente ng Xiamen Airlines sa NAIA pinatitiyak ng Malakanyang

Inquirer Photo: Marianne Bermudez

Inatasan ng Malakanyang si Transportation Secretary Arthur Tugade na tiyakin na magkakaroon ng accountability sa nangyaring aksidente ng Xiamen Airlines sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) 1.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, dapat may managot kapag napatunayan sa imbestigasyon na may kapabayaan ang sinuman.

Una rito, hindi na pinayagan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na makaalis ng bansa ang piloto ng Xiamen Airlines para sumalang sa imbestigasyon.

Bukod sa CAAP, may ikinakasa ring pagdinig ang senado kaugnay sa nasabing insidente.

Matatandaang libo-libong pasahero ang naapektuhan dahil sa pagsadsad ng Xiamen Airlines sa NAIA terminal 1.

Read more...