Binigyan lamang ng hanggang Agosto 31 ng LTFRB ang mga TNVS owners at operators na kabilang sa masters list upang makakuha ng provisional authority.
Ayon sa ahensya, sapat na ang binigay nilang panahon para asikasuhin ng mga operators ang mga dokumento at rekisito na dapat kumpletuhin bago ang katapusan ng buwan.
Simula naman bukas, August 24 ay magsisimula na ang online registration para sa mga bagong certificate of public convenience (CPC) ng mga TNVS.
Sinabi ng LTFRB na hindi tatanggapin ang aplikasyon para sa prangkisa sakaling hindi nakapagparehistro online ang mga TNVS units.