PUBLIC SERVICE: Scheduled power interruption ng Meralco ngayong araw, Aug. 23

Mawawalan ng suplay ng kuryente ngayong araw ang bahagi ng Quezon City, Makati City, Quezon Province at Bulacan.

Sa Quezon City, alas 10:00 ng umaga hanggang alas 4:00 ng hapona ng power interruption sa bahagi ng mga Barangay Bagumbuhay at Marilag sa Project 4.

Sa lungsod ng Makati naman, alas 11:00 nga gabi mamaya hanggang alas 4:00 ng madaling araw bukas ang power interruption sa Barangay Bel Air partikular sa bahagi ng Salcedo Village.

Sa Quezon Province naman, alas 10:00 ng umaga hanggang ala 1:00 ng hapon ang power interruption sa mga Barangay Buliran, Callejon, Briones, Magsaysay at Sinturisan sa bayan ng San Antonio.

At sa San Rafael, Bulacan, alas 9:00 ng umaga hanggang alas 2:00 ng hapon ang power interruption sa Barangay Capihan.

Read more...