Plano ng gobyerno na umangkat ng galunggong at bigas tinawag na anti-poor ng isang mambabatas

Tinawag na anti-poor ni Anakpawis Representative Ariel Casilao ang hakbang ng gobyerno na umangkat ng galunggong, bigas, at iba pang agricultural products.

Ayon kay Casilao, hindi katanggap-tanggap ang hakbang ng pamahalaan para sa bansang napapaligiran ng karagatan at itinuturing ding rice producing country.

Sinabi nito na ang tiyak na tatamaan ng polisiya ay ang mga magsasaka at mangingisda na nabibilang sa mga pinakamahihirap na sektor.

Dahil aniya sa ginagawa ng administrasyon at kapag hindi ito nagbago ay lalong magugutom at maghihirap ang mga Pilipino.

Idinagdag nito na hindi na natuto ang administrasyong Duterte sa aral ng nakalipas na pamahalaan matapos sumapi sa World Trade Organization.

Read more...