Binuweltahan ni Philippine National Police (PNP) Chief, Director General Oscar Albayalde ang mga pumupuna sa madalas na paggamit ng mga otoridad sa salitang “nanlaban” sa kasagsagan ng war on drugs ng pamahalaan.
Isa si dating Pangulong Noynoy Aquino sa mga kumukwestyon sa “nanlaban” na termino na mga pulis, tuwing may mapapatay na drug suspek.
Ayon kay Albayalde, mahirap daw makipag-argumento sa mga taong sarado ang pag-iisip.
Hayaan na lamang daw ang mga taong ito na paniwalaan ang gusto nilang paniwalaan.
Nilinaw naman ni Albayalde na hindi niya partikular na pinatatamaan si Aquino, dahil kung tutuusin ay hindi lamang ang dating presidente ang bumabatikos sa war on drugs ng administrasyong Duterte.
Sinabi ng PNP chief na may iba pang maiingay na panay puna sa trabaho ng mga pulis laban sa ilegal na droga.