41.5% ng kita ng pamilyang Pilipino ginagastos sa pagkain — survey

INQUIRER FILE PHOTO

Halos kalahati ng buwanang kita ng pangkaraniwang pamilyang Pilipino ang nagagastos sa pagkain.

Ayon sa report ng Philippine Statistics Authority (PSA) na inilabas sa ikalawang kwarter ng 2018, nasa 41.5% ng kabuuang kita ng pamilya sa 1 buwan ang nakalaan sa pagkain.

Ito ay kumpara sa mga pamilya sa Western countries gaya ng Estados Unidos at United Kingdom kung saan 10% lang ng buwanang kita ang napupunta sa pagkain.

Ibig sabihin, dahil malaking bahagi ng kita ang nagagastos sa pagkain, nababawasan ang nakalaan para sa pananamit at ibang pangangailangan gaya ng bahay, kuryente, tubig, medikal at edukasyon.

Nakasaad din sa PSA report na ang mga mahihirap na pamilyang Pinoy, gaya ng nasa sector ng pangingisda at pagsasaka, ang pinaka-apektado ng mataas na presyo ng mga bilihin.

Habang ang malaking pamilya o maraming miyembro ay nakakadagdag sa paghihirap ng pamilya.

Read more...