Nadiskubre ng mga otoridad ang mahigit isangdaang libong sako ng bigas na nabukbok sa Subic Bay Freeport Zone.
Ito ay sa gitna ng pagsipa ng presyo ng bigas sa ibang lugar sa bansa.
Ayon sa National Food Authority (NFA), 133,000 sako ng bigas ang pineste.
Ang bigas ay inangkat mula sa Thailand at dumating sa Subic Bay noong August 2.
Sumasailalim sa fumigation ang lahat ng sako ng bigas na kasama sa shipment.
Aabutin ng pito hanggang labindalawang araw para mapatay ang tinatawag na rice weevils o bukbok.
Sinabi ng NFA na natural sa bigas na mabukbok pero kailangan munang patayin ang peste bago ilipat ang mga ito sa bodega.
Dahil dito ay may delay na naman sa pagbababa ng mga bigas dahil nasa kustodiya pa ito ng supplier na sasagutin ang gastos sa fumigation.