12 kabilang ang dalawang Amerikano kulong dahil sa pagiging subersibo sa Vietnam

Nakakulong ngayon sa Vietnam ang 12 katao, kabilang ang dalawang Amerikano na napatunayang kabilang sa isang ikinokonsiderang US-based terrorist group.

Ito ay dahil sa kanilang ginawang pamamahagi ng mga anti-government leaflets at pagsisimula ng mga kilos protesta noong nakaraang taon sa Vietnam.

Tila isa nang routine para sa komunistang bansa na ikulong ang kanilang mga kritiko na karamihan ay mga blogger, aktibista, mga human rights lawyers, at mga miyembro ng kanilang mga kinategoryang teroristang grupo.

Makukulong ang 12 mga miyembro ng Provisional National Government of Vietnam (PNGV) sa loob ng lima hanggang 14 na taon.

Ang dalawang mga American citizens na sina Phan Angel at Nguyen James Han ay ang nakatanggap ng pinakamalalang parusa na 14 na taong pagkakakulong at matapos nilang pagsilbihan ang kanilang sintensya ay idedeport ang mga ito.

Samantala, ayon sa embahada ng estados Unidos, patuloy nilang babantayan ang kalagayan at kaligtasan ng kanilang mga citizen.

Read more...