Ginastos para matanggal ang eroplano ng Xiamen Air sa NAIA runway, babayaran ng kumpanya

MIAA

Babayaran ng Xiamen Air ang nagastos sa pagtanggal ng isa nilang eroplano na sumadsad sa runway ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Nakipag-ugnayan na ang airline sa mga otoridad ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) kaugnay ng gastos pero hindi pa nakumpirma kung magkano ito.

Sa statement ay sinabi ng Xiamen Air na committed silang bayaran ang halaga ng pagtanggal sa eroplano.

Sa pagtataya ni Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Ed Monreal, nasa P15 million ang gastos sa pagtanggal ng eroplano.

Bukod dito, pagmumultahin nila ang Xiamen Air dahil naparalisa ang operasyon ng paliparan at naperwisyo ang libo libong mga pasahero.

Read more...