Duterte tinawag na tamad at mahilig sa paawa effect ni Trillanes

Naniniwala si Senator Antonio Trillanes IV na drama lang ang isyu sa kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Aniya ito ay paawa effect lang tulad nang pagsusuot ng neck brace ni House Speaker Gloria Arroyo noon.

Ipinaliwanag pa ni Trillanes na madali kasing maawa ang mga Filipino kaya’t niloloko nila ang sambayanan.

Naniniwala ang senador na malusog si Pangulong Duterte kaso tinatamad lang gawin ang kanyang mga trabaho.

Sinabi pa ni Trillanes na ang pangunahing motibo kaya’t nagkaroon ng isyu sa kalusugan ang pangulo ay para kaawaan at hindi sisihin sa mga isyu sa lipunan lalo na ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Nauna dito ay sinabi ni Communist Party of the Philippine founding chairman Jose Maria Sison na may malubhang sakit ang pangulo at ito ay na-comatose na.

Pero kahapon ay nagpakita sa publiko ang pangulo at kaagad na bumuwelta sa kanyang mga kritiko.

Read more...