Ipapatawag ng House Committee on Transportation sa isasagawang pagdinig sa nangyaring aberya sa Ninoy Aquino International Airport ang mga piloto at kinatawan ng sumadsad na Xiamen Airlines.
Ayon kay Catanduanes Rep. Cesar Sarmiento pahaharapin nila sa pagdinig sa September 5 ang mga piloto at kinatawan ng Xiamen Airlines upang pagpaliwanagin sa insidente.
Aalamin anya nila sa mga ito kung ano ang naging dahilan ng pagsadsad ng eroplano na nagdulot ng perwisyo sa napakaraming pasahero.
Sinabi ng mambabatas na hihingin din nila ang resulta ng imbestigasyon na isinagawa ng DOTr, NAIA, MIAA at CAAP sa nangyari.
Maging ang mga opisyal ng OWWA, POEA at mga recruitment agency ay pahaharapin din sa imbestigasyon para alamin ang ginagawa ng mga ito para sa kapakanan ng mga na-stranded na OFW dahil sa pagsasara bg runway ng NAIA.