Umaapela si Special Assistant to the President (SAP) Bong Go sa publiko na huwag nang palakihin ang isyu na na comatose si Pangulong Rodrigo Duterte.
Pahayag ito ni Go matapos akusahan ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Maria Sison na comatose na ang pangulo.
Paliwanag ni Go, mistulang mga bata na lamang na nag-aaway ngayon sina Pangulong Duterte at Sison.
Sinabi pa ni Go, mahirap nang patulan ang mga katulad na usapan na mistulang pambata na lamang.
“Mahirap na pong patulan ang mga ganoong usapan. Parang pambata nang usapan yung ganoon,” paliwanag ni Go.
Bilang bwelta, nag-Facebook Live ang pangulo kasama si Go para patunayan kay Sison na hindi siya na-comatose.
MOST READ
LATEST STORIES