Nagwagi ang aktor na si Christian Bables ng Special Jury Award para sa kanyang pagganap sa bilang Intoy sa pelikulang “Signal Rock” na tampok sa 2018 Pista ng Pelikulang Pilipino.
Sa PPP Gabi ng Pasasalamat, sinabi ni Christian na hindi na lamang niya pinapansin ang mga bumabatikos sa kanya.
Bagkus ay hinahayaan na lamang niyang ang kanyang trabaho ang magsalita para sa kanya.
Nakuha rin ng naturang pelikula na idinerehe ng batikang direktor na si Chito Roño ang Critics’ Choice Award.
Samantala, nakuha naman ng “Bakwit Boys” at “The Day After Valentine’s” ang Audience Choice Award para sa main category, habang ang “Kiko Boksingero” naman ang nakapag-uwi ng Audience Choice Award para sa Special Features category.
MOST READ
LATEST STORIES