Aminado ang Palasyo ng Malacañan na eye-opener sa gobyerno ang pagsadsad ng Xiamen Airlines sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon kay Special Assistant to the President (SAP) Bong Go, ipinapakita ng insidente ang kahalagahan ng pagkakaroon ng contingency plan sa anumang pangyayari sa paliparan.
Ayon kay Go, tinatrabaho na ng gobyerno ang long-term solution para sa “decongestion” ng NAIA kung saan kabilang dito ang pagsasaayos ng Clark International Airport sa Pampanga at pagtatayo ng bagong paliparan sa Bulacan at Cavite.
Una ng inaprubahan ng Duterte administration ang expansion ng NAIA na popondohan ng P350 billion.
MOST READ
LATEST STORIES