74 preso sa Zamboanga, ooperahan nang libre

Makatatanggap ng free surgery ngayong buwan ang 74 na inmates ng Zamboanga City Reformatory Center (ZCRC).

Nakilala na ng Zamboanga City Medical Center (ZCMC) ang kanilang benepisyaryo bilang bahagi ng mga aktibidad para sa selebrasyon ng sentenaryo ng pampublikong ospital.

Ayon kay ZCMC Department of Surgery Dr. Jojo Sese, sa kabuuang bilang na 74, 44 ang sasailalim sa major operations para sa mga sakit na hernia o luslos at hemorrhoids o almuranas habang 30 ang para sa pagtanggal ng cyst na isa lamang minor operation.

Sinabi ni Sese na target nilang matapos ang surgical mission ngayong Setyembre.

Bukod sa libreng operasyon ay makatatanggap ang mga preso ng libreng gamot at laboratory examinations.

Iginiit ng doctor na kaya iprinayoridad ang mga preso dahil mas limitado ang access ng mga ito sa health care.

Read more...