Philippine Coast Guard nagtaas na ng alerto para sa Undas

PASSENGERS CROWD TERMINAL 1/OCT. 29, 2014: The passenger Terminal 1 at Pier 1 is crowded with passengers after some passengers for Manila waited for the arrival of vessels that were delayed. Some passengers were thankful that airconditioning units is fully fanctional but some are discomfort of their long wait.(CDN PHOTO/JUNJIE MENDOZA)
File Photo / Cebu Daily News

Isinailalim na sa heightened alert ang Philippine Coast Guard bilang paghahahnda sa taunang Undas.

Libu-libong pasahero ang inaasahang dadagsa sa mga pantalan para umuwi sa mga lalawigan at doon gunitain ang All Soul’s Day.

Taun-taon, tuwing sasapit ang paggunita sa Undas, dumadagsa ang mga tao sa maraming pantalan sa bansa.

Sa datos ng PCG, pinakamatao ang mga seaports sa Matnog, Sorsogon; Allen, Northern Samar; Cebu; Cagayan de Oro; Guimaras; Batangas at Oriental Mindoro

Mananatili ang pagpapairal ng heightened alert ng Coast Guard hanggang sa November 5.

Read more...