61k pasahero apektado ng pagsadsad ng Xiamen Air sa NAIA runway

Mahigit 61,000 na mga pasahero ng Philippine Airlines at Cebu Pacific ang naapektuhan ng pagsadsad ng eroplano ng Xiamen Air sa NAIA runway.

Ayon sa PAL at Cebu Pacific, ang mga pasahero ay naapektuhan ng nakansela, na-delay, at diverted domestic at international flights.

Ayon kay PAL spokesperson Cielo Villaluna, sa mahigit 30,000 na naapektuhang pasahero, 87 ay dahil sa cancellation at 4,000 ang naapektuhan ng 21 diverted flights.

Inako aniya ng PAL ang gastos dahil sa epekto ng Xiamen incident sa operasyon ng airline.

Sa panig ng Cebu Pacific, sinabi ni director for Corporate Communications Charo Logarta-Lagamon na 31,000 ang kanilang displaced passengers dahil sa cancelled flights bukod pa sa na-divert na mga biyahe o sobrang na-delay.

Naka-focus na anya ngayon ang airline na ibalik sa normal ang kanilang operasyon saka nila pagbabayarin ang Xiaman Air ng danyos.

Read more...