Nagagalak ang Zamboanga City officials sa pagkakasungkit ni Hidilyn Diaz ng unang gintong medalya para sa Pilipinas sa nagaganap na Asian Games ngayon sa Jakarta, Indonesia.
Ito ay ayon mismo kay Zamboanga City Sports official Cecil Atilano.
Ayon kay Atilano, muling nagbigay karangalan si Diaz sa Zamboanga City matapos itong manalo ng silver medal noong 2016 Olympics.
Kinumpirma ni Atilano na nakapag-lift si Diaz ng 207 kilograms sa women’s weightlifting 53 kilogram Division ng ASIAD.
Si Diaz ang kauna-unahang weightlifter na Filipino na nanalo ng ginto sa Asian Games.
MOST READ
LATEST STORIES