Timbog ang tatlong mga drug suspek sa magkahiwalay ng drug buy bust operation ng mga otoridad sa Quezon City.
Unang naaresto sa Barangay Pinyahan si Zachary Fajardo, 22 taong gulang.
Narekober mula dito ang dalawang medium-sized na ziplock na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana, anim na maliliit na sachet ng marijuana, at isang cellphone na ginagamit ng suspek sa kanyang mga transaksyon.
Napag-alamang anak pala ng Barangay Kagawad ang suspek na pawang mga estudyante ang parokyano.
Sumunod namang naaresto sa Barangay Socorro ang mag-ina na sina Jayson Mabulogtong alayas Maowin, 20 taong gulang at Malou Halin, 50 taong gulang.
Narekober mula sa dalawa ang walong hinihinalang sachet ng shabu.
Mga drayber naman ang parokyano ng mag-ina.
Kapwa mahaharap ang tatlong mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.