Matapos mapabalitang comatose, balik sa dating istilo si Pangulong Rodrigo Duterte at binanatan muli ang mga kalaban.
Ayon sa pangulo hindi siya nacomatose sa halip ay nagpahinga lamang sa Davao at nanood ng mga palabas sa netflix.
Kabilang sa pinanood ng pangulo ang series na ‘Dope’ maging ang sitwasyon sa Jamaica.
Sa bungad pa lamang ng talumpati ng pangulo sa League of Municipalities of the Philippines (LMP) Visayas Island Cluster Conference sa Radisson Blu Hotel sa Cebu City, agad nang binanatan nito si CPP Founding Chairman Jose Maria Sison.
Binanatan din ng pangulo ang ABS-CBN at ang Inquirer.
Maging ang Amerika at Canada na tumangging magbenta ng baril at attack helicopter ay binanatan ng pangulo.
Binalaan din ng pangulo ang rebeldeng grupo na gagamitin niya ang lahat ng resources ng gobyerno para mapuksa lamang ang kanilang hanay.
Maging si Daanbantayan Mayor Vicente Loot na aniya’y sangkot sa ilegal na droga ay pinagbantaan din ng pangulo na papatayin.