Nakahanda si Pangulong Rodrigo Duterte na magpalibing sa Israel katabi ni Hesukristo.
Sa talumpati ng pangulo sa League of Municipalities of the Philippines (LMP) Visayas Island Cluster Conference sa Radisson Blu Hotel sa Cebu City, sinabi nito na ito ay kung mamatay siya sa Israel.
Nakatakdang bumisita si Pangulong Duterte sa Israel sa September 2 hanggang 5 at tatawid ng Jordan.
Ayon sa pangulo, maiksi raw kasi ang airstrip sa pagitan ng Israel at Jordan at kapag nagkamali ang piloto tiyak na madidisgrasya ang eroplano.
Paliwanag ng pangulo, kailangan niyang magtungo sa Israel at Jordan para personal na alamin ang kalagayan ng mga Filipino roon.
MOST READ
LATEST STORIES