Maagang nagdagsaan ang mga Muslim sa Quezon City Memorial Circle para salabungin ang araw ng pagdarsal sa pagdiriwang ng Eid’l Adha.
Para alalahanin ang pag-aalay ni propetang si Abraham sa kanyang anak na si Isaac bilang pagsubok sa kanya ng Diyos.
Pamipamilyang Muslim ang nagpuntahan sa QC Circle para manalangin at pakinggan ang aral mula sa Quran, sinamantala na rin nila ang kawalan ng pasok matapos ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na holiday ang August 21 bilang pagdiriwang ng Eid’l Adha.
Sumentro naman ang pagbabahagi ni Imam Fahad Tambara na hindi dapat tinuturing kaaway ang nasa labas ng Islam.
MOST READ
LATEST STORIES