Nagharap sa isang pulong ang mga intelligence official ng Pilipinas at Russia sa Moscow at pinag-usapan ang ilang mga isyu kaugnay sa terorismo.
Ito ang kinumpirma ni Philippine Ambassador to Moscow Carlos Sorreta sa pamamagitan ng kanyang Facebook account.
Ang delegado ng bansa ay pinangunahan ni National Intelligence Coordinating Agency (NICA) Assistant Director-General Restituto Santos na siyang pinuno ng counter terrorism directorate ng ahensiya.
Sinabi rin ni Santos na nagkaroon rin ng hiwalay na pakikipagpulong si Defense Sec. Delfin Lorenzana sa kanyang counterpart pero hindi na inilabas pa ang detalye ng nasabing pulong.
Nauna dito ay sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na bibili ang bansa ng mga submarine sa Russia.
Ikinokunsidera rin ng pangulo ang pagbili ng iba pang military hardware mula sa nasabing bansa.